Friday, June 18, 2010

ulan_sa_bunbunan: papasyal tayo sa baguio

ulan_sa_bunbunan: papasyal tayo sa baguio

papasyal tayo sa baguio



Hindi talaga ako anak ng Baguio, napapad lang ako dito dahil dito ako nag-aral ng kolehiyo.. natutunan ko na "siyang" mahalin higit pa sa lugar kung saan ako pinanganak.. kahit medyo matagal tagal narin ako sa baguio, marami parin ang hindi ko nalalaman sa lugar na aking minahal.. sabi nila malamig daw sa baguio.. sa totoo lang kasama, mas malamig pa ang airconditioned room kaysa sa lugar na tinaguriang summer capital of the Philippines.. isusulat ko hanggang sa kaya ko ang mga bagay na minahal ko sa baguio..

maraming di nakakaalam pero may maliit na campus dito ang University of the Philippines.. dito nakilala ang bantog na si manang mane; isang icon na matuturing .. siya ang nagaalaga sa mga bago @ lumang mga estudyante ng pamantasan.. dito rin ako dati nag iiwan ng mga hand-outs, nag iiwan ng gamit, bumibili ng mani, bumili ng mangga, dito rin ako nagtatanong ng nawawalang gamit.. mas kilala ko pa nga si manang mane kesa sa mga nakasabahayan ko sa mga pinapasukan klase dati.. nung huling pagbwisita ko sa campus, naka pwesto na siya sa tambayan ng Sigma Kappa Pi Fraternity-Sigma Delta Pi Sorority.. nabalitaan ko dati na nais ng iilan na paalisin si manang mane dahil bawal daw magbenta sa loob ng campus.. sa isipan ko, kung kaya nilang gawin sa isang taong naging saksi sa makasaysayang kwento ni oble.. pano na ang isang ordinaryong tao at estudyante hinihiram lamang ang ilan taon ng pamantasan..
isa rin sa nagustuhan ko sa UP ang napakaraming organisasyon at kapatiran na pwede mong pilian.. nandyan ang regional orgs, ang mga political orgs, ang mga frat-soros, ang mga social orgs at syempre ang mga org-less.. ngayung pasukan marami nanaman ang may mga orientation.. pakilala.. meeting sa mga PF (peer facilitator) @ block meet.. laging masaya ang umpisa pero madalas madugo ang tatahaking daan patungo sa pag-aaral..

isa rin sa minahal ko sa baguio ay ang pagkain.. may tinatawag kami ng aking sis sa soro na "sesame" street. eto ung eskinita sa harap ng Malcolm square sa pinakababa ng session road.. paradahan ito ng mga jeepney drivers papunta sa iba't ibang lugar sa baguio.. dito rin makikita ang mga detulak na cart na nagbebenta ng tokwa, itlog, tokneneng, isaw, hotdog, fish ball at marami pang iba.. di masarap mag food trip.. sa isang daan piso, mabubusog ka na sa dami ng pagpipilian.. siempre sa mga bago eh parang madumi, pero sa dami ng kumakain, mauudyok ka narin tumikim. hangang sa naadik ka na.. parang droga.. toink.. este iba pala..
kung nais mo naman ng oriental delicacy, madami din naman dito sa baguio.. ano ba gusto mo?? gusto mo ba ng korean, japanese, italian, american, chinese traditional, chinese oriental? marami kang pagpipilian.. sa susunod na post ko eh tungkol sa pagkain na makikita at matitikman sa Baguio..

kung sa lugar ng baguio naman tayo tutungo. pasensiya na kasama, pero naliliitan talaga ako sa baguio. meron ngang mines view, botanical garden, "asin" @ atok hot springs, maharlika, strawberry farm ng latri (La Trinidad), lion's head sa marcos, PMA, session road, camp john hay, Burnham park, teachers camp, nevada square at maraming pang iba.. kung turista ka di mo maiikot ang kagandahan ng baguio.. pakikita mo siguro ang pwedeng makita.. pero mas maram kang malalaman kung titira ka mismo sa isang lugar.

ipagpapatuloy ko ang aking blog sa susunod, ngayon kelangan ko ng manuod ng chismis.. este news sa tv..

/zbr2jk7